Wednesday, January 15, 2025

Gawad Dangal Filipino Awards 2022 : Beautederm pararangalan na Best Beauty Products Company of the Year

Gawad Dangal Filipino Awards 2022 : Beautederm pararangalan na Best Beauty Products Company of the Year

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Abalang abala ang Beautederm ngayon kahit patapos na ang 2022. Ngayong araw ay nagbukas ang isa nilang store sa ground level ng SM City Olongapo Central. Nagbigay saya ang mga Beautederm ambassadors na sina Enchong Dee, Jelai Andres, Buboy Villar, Dessa at Alynna Velasquez. Special guest din si Kris Lawrence.

Kahit sa awards ay humakot pa rin ang Beautederm Corporation. Sa December 28 ay pararangalan ito ng Gawad Dangal Filipino Awards 2022 bilang Best Beauty Products Company of the Year.

Kilala kasi ang Beautederm na effective at natural skincare products. Ganoon din sa mga gamot na Beautederm Reiko, Kenzen na mabisang HealthBoosters, Beautederm Koreisu toothpaste, Etre Clair mouthwash at ang Reverie line ng Beautederm Home.


Ang CEO at President na si Rhea Anicohe-Tan ay gagawaran din bilang Most Outstanding Woman Entrepreneur of The Year Gawad Dangal Filipino Awards 2022.

Hindi lang yan may isa pang pasabog ang Beautederm, malapit nang matapos ang malaking building ng kompanya na matatagpuan sa Angeles City.

Kabilang sa ambassadors at pamilya ng Beautederm ay sina Piolo Pascual, Bea Alonzo, Maja Salvador, Andrea Brillantes, Sam Milby, Marian Rivera, Dingdong Dantes, JC Santos at misis niyang si Shyleena, Carlo Aquino, Sanya Lopez, Ruru Madrid, Zeinab Harake, Gabby Concepcion, Sylvia Sanchez, Lorna Tolentino, Christopher de Leon, Tonton Gutierrez, Glydel Mercado, Boobay, Kakai Bautista, Korina Sanchez, Beauty Gonzales, Alma Concepion, Maricel Morales , Rochelle Barrameda, Jane Oineza, Bianca Umali, Luke Mejares, Jimwell Estevens, Sherilyn Reyes-Tan, Ryle Santiago, Rita Daniella, Jana Roxas, DJ Cha Cha,, DJ Jai Ho, Darla Sauler, Pauleen Mendoza , Anne Feo atbp.

Maliban sa mga local at regional brand ambassadors mula sa Luzon, Visayas, at Mindanao, kinakatawan ang Beautéderm ng mga public servants gaya ng singer-actor na si Alex Castro, na Vice Governor ng Bulacan; ng Kapamilya leading man na si Ejay Falcon na Vice Governor ng Oriental Mindoro; ng dating San City 2nd District Councilor na si Jannah Ejercito; ng mga Councilors ng Ikatlong Distrito ng Quezon City na sina Kate Coseteng at Wency Lagumbay; ni Attorney Kaye Revill; ni Councilor Janina Medina-Fariñas ng Vigan; ni Mayor Donya Tesoro ng San Manuel, Tarlac; at ng internationally-acclaimed dramatic actor na si Arjo Atayde na Congressman Unang Distrito ng Quezon City.

Rhea Anicoche-Tan
President/CEO
Beautéderm Corporation

“Lumalaki na talaga ang Beautéderm family natin at ang saya saya,” deklara ni Ms. Rei.
Wala siyang tinatanggal sa mga pamilya niya sa Beautederm maliban lang kung ayaw na sa kanya at hindi ginagawa ang kanilang responsibilidad bilang endorser.

Inaasahan na mas tatangkilin at lalaki pa ang Beautederm Corporation sa taong 2023.